^

Bansa

ACT-Agri, Ricky Reyes at SM kapit-bisig sa pagtulong sa mahihirap

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Inilunsad ng kilalang Filipino hair dresser na si Ricky Reyes at Act Agri-Kaagapay organization ang “Isang Gunting, Isang Suklay” livelihood project upang matulungan ang daan-daang kababaihan at mga indibidwal na walang hanapbuhay, sa layuning maiangat ang kanilang buhay, sa pamamagitan nang pagdaraos ng libreng hair-cutting seminar.

Sa distribusyon ng certificates of recognition na idinaos sa SM SouthMall sa Las Pinas City, pinasalamatan ni Reyes si Act-Agri Kaagapay founder at president Virginia Ledesma Rodriguez sa pagsuporta nito sa maraming livelihood projects na nakatutulong sa maraming mahihirap na pamilya, partikular na sa maliliit na magsasaka na kabilang sa indigenous peoples (IPs).

Ang Health Caravan ay pinasimulan ni Reyes, sa tulong ng SM SouthMall at Act Agri-Kaagapay bilang bahagi ng kanilang joint effort na makapagkaloob ng hanapbuhay sa libu-libong pamilyang Pinoy, sa pamamagitan ng iba’t ibang livelihood programs at upang matiyak na mabibigyan sila ng mas magandang buhay.

Nabatid na ang mga dumalo at nakakumpleto ng seminar ay bibigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho sa mga popular na salon sa bansa at maaaring maiendorso sa ibang beauty shops bilang hair dressers at beauticians.

Bukod sa hair cutting seminars, kasama rin sa Health Caravan ang pamamahagi ng mga medisina at bitamina; training para sa barangay health workers sa emergency preparedness; blood typing; blood sugar checks; feeding programs; at iba pa.

RICKY REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with