^

Bansa

Pangulong Marcos sa DMW: 20 Pinoy sa Red Sea attack, tulungan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sa DMW: 20 Pinoy sa Red Sea attack, tulungan
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Migrant Workers (DMW) na tulungan ang pamilya ng 20 Filipino mariners na apektado ng Red Sea attacks.

Sinabi ng Pangulo na dapat siguruhin na matutugunan ng gobyerno ang mga pangangailangan ng naturang mga pamilya.

Ayon naman kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac na agad siyang tumalima sa kautusan ng Pangulo at hawak na nila ang mga pamilya ng mga marino.

Nauna nang tinangay ng Iranian authorities ang tatlong Filipino seafarers na sakay ng container ship MSC Aries habang 17 Filipino seafarers naman ang tinangay ng Houthi rebels nang umatake sa Red Sea.    

Nilinaw naman ni Cacdac na ligtas naman ang mga Pinoy seafarers at tuloy ang komunikasyon sa kani-kanilang mga pamilya.

Katunayan, tatlo sa mga Filipino seafarers na sakay ng MSC ay makauuwi na sa kani-kanilang pamilya habang 17 ang nasa Galaxy Leader at nasa stable condition. 

Nagpasalamat si Cacdac sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa suporta para nailigtas ang mga Filipino seafarers.

WORKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with