MANILA, Philippines — Iniulat ng Professional Regulation Commission (PRC) na 71,000 bagong guro ang pumasa sa katatapos na Licensure Exam for Professional Teachers (LEPT) na idinaos noong Marso.
Sa ulat ng PRC kahapon, nabatid na nasa 20,890 elementary teachers o 46.67% ng kabuuang 44,764 examinees ang pumasa sa pagsusulit.
Kabilang dito ang 17,651 first timers o unang beses pa lang na kumuha ng pagsusulit habang 3,329 ang repeaters.
Pasado rin ang 50,539 secondary teachers, na 58.78% ng 85,980 examinees, kabilang ang 41,787 first timers at 8,752 repeaters.
Ayon sa PRC, ang LEPT ay idinaos noong Marso 17, 2024 sa may 36 testing centers sa buong bansa.