^

Bansa

Mga nag-akusa kay Mayor Guo ang magpatunay na ‘di siya Pinoy – Escudero

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga nag-akusa kay Mayor Guo ang magpatunay na ‘di siya Pinoy – Escudero
Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo on May 22, 2024
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Hindi si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat magpatunay na hindi siya Pilipino.

Ito ang ipinaalala ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na nagsabing sa ngayon ay mananatili ang presumption na Pilipino ang alkalde batay sa mga dokumentong naiprisinta at mga testimonyang kanyang naibigay sa Senate Committee on Wo­men, Children, Family Relations and Gender Equality.

“Oo may rason para mag-alanganin tayo pero ang presumption ay nananatilli pa rin. Siya ay nakatakbo, registered voter, may passport siya na Pilipino siya. Kaya nasa nagsasabi na hindi para patunayan ‘yun,” pahayag ni Escudero.

Kasabay nito, ipinaliwanag ni Escudero na ang maaaring maghain ng pe­tisyon laban sa citizenship ni Guo ay ang solicitor general.

“Ang puwedeng magkuwestiyon ay ang Solgen lang. Walang kapangyarihan ang Comelec na i-disqualify siya,” diin ni Escudero.

Inihalimbawa pa ni Escudero ang naging kaso ni Sen. Grace Poe na hindi kilala ang tunay na mga magulang at tanging adopted parents ang lumutang kaya itinuring ito ng Korte Suprema na foundling.

“There is basic principle in law na he who alleges must prove the same,” paalala ni Escudero.

Sa ngayon, aniya, ay nasa Solgen na ang bola para kanselahin ang birth certificate ni Guo at tuluyang mabawi ang kanyang citizenship.

ALICE GUO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with