^

Bansa

Grupo ikinatuwa NCR wage consultation; P1,200/araw na minimum inilaban

James Relativo - Philstar.com
Grupo ikinatuwa NCR wage consultation; P1,200/araw na minimum inilaban
Workers hold a rally to mark International Labor Day near Malacanang Palace in Manila on May 1, 2024.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — "Welcome development" para sa isang alyansa ng labor unions atbp. manggagawa ang konsultasyong ginagawa ng NCR Regional Tripartite Wages and Productivity Board, ito habang itinutulak na mailapit ang sahod sa family living wage.

Ang naturang wage consultation para sa National Capital Region (NCR) ay isinasagawa ngayong Huwebes ilang linggo matapos iutos ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagrerebyu ng minimum na sahod kaugnay ng inflation. 

"UWIN stands by its position that the minimum wage should be based on the Family Living Wage of P1,200 per day," ani Unity for Wage Increase Now (UWIN) spokesperson Charlie Arevalo.

"Our workers and their families deserve to live with dignity and not merely survive on a hand-to-mouth existence."

Ngayong Mayo lang nang iestima ng IBON Foundation na nasa P1,192/araw ang kinakailangan ng isang pamilyang may limang miyembro sa Metro Manila para mabuhay nang disente. Gayunpaman, nananatili sa P610/araw ng minimum sa NCR.

Patuloy pa ni Arevalo, na siya ring presidente ng PLDT Supervisors Union, na makatwiran ang nabanggit na dagdag sahod lalo na't tumaas naman daw nang husto ang worker productivity.

Simula 2000, tumaas aniya ang labor productivity mula P254,000 patungong P425,000 noong 2022 (constant 2018 prices). Ibig sabihin ay nakapag-produce ang mga manggagawa ng mga produkto't serbisyong nasa P1,165 kada araw noong 2022.

Sa kabila nito, bumaba pa raw ang tunay na halaga ng minimum wages mula P359 patungong P337. Sa kabila nito, iginigiit ng UWIN na lumobo naman ang corporate profits mula P700 millioj patungong P4.3 kada araw.

Mga negosyo malulugi?

Una nang ipinangamba ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) at Department of Labor and Employment (DOLE) na posibleng magdulot ng negatibong epekto sa micro, small and medium enterprises ang pagtataas ng minimum wage, maliban pa sa pagdulot ng wage distortion.

Sa kabila nito, idiniin ng UWIN na dati nang ipinaliwanag ng IBON Foundationna walang causal effect sa paitan ng wage hikes at inflation.

"There have been instances where inflation rates rose without any wage increases, and times when inflation rates fell despite wage increases," dagdag ni Arevalo.

"It is high time that workers get a fair share of the fruits of their labor. UWIN steadfastly leads the fight for living wages not just in NCR but across all regions."

Giit pa nila, mas maiuugnay pa nga ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa mga neoliberal na polisiya gaya ng Oil Deregulation Law, pagsasapribado ng basic utilities, atbp. Bukod pa raw ito sa epekto ng pagbababa ng buwis sa mayayaman habang itinataas ang consumption taxes na tumatama sa mahihirap.

Una nang tiniyak ng DOLE na magdudulot ng pay hikes ang isinasagawang minimum wage review sa buong bansa. Bago ito, matatandaang itinulak ng ilang senador ang mas mababang P100 wage hike.

BONGBONG MARCOS

INFLATION

LABOR RIGHTS

MINIMUM WAGE

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with