OFW sasailalim sa surgery matapos 'emergency landing' ng Singapore Airlines

Officials enter the Singapore Airlines Boeing 777-300ER airplane, which was headed to Singapore from London before making an emergency landing in Bangkok due to severe turbulence, as it is parked on the tarmac at Suvarnabhumi International Airport in Bangkok on May 22, 2024. A 73-year-old British man died and more than 70 people were injured on May 21 in what passengers described as a terrifying scene aboard Singapore Airlines flight SQ321 that hit severe turbulence, triggering an emergency landing in Bangkok.
AFP/Lillian Suwanrumpha

MANILA, Philippines — Nabalian ng leeg at kailangang i-surgery ang isang babaeng overseas Filipino worker (OFW) matapos makaranas ng "severe extreme turbulence" sa ere ang sinasakyang Singapore Airlines flight SQ321.

Kamakailan lang nang maibalitang limang Pilipino ang sakay ng naturang eroplano, bagay na biyaheng London-Singapore sana. Matatandaang kinailangang mag-emergency landing ng aircraft sa Bangkok dahil sa insidente.

"The Department of Migrant Workers (DMW), through its Migrant Workers Office in Singapore (MWO-SG), reports the Singapore-based OFW involved in the emergency flight incident last Tuesday suffered a neck fracture and back injuries," ayon sa DMW ngayong Huwebes.

"She is set to undergo surgery tonight to address her neck fracture. No word as yet on the treatment or surgery options for her back injuries. Her condition remains 'sensitive' but stable."

 

 

Binisita na ng mga kinatawan ng Philippine Embassy sa Bangkok (PE-BKK) ang naturang OFW sa ospital kahapon.

Dagdag pa ng kagawaran, ginagawan na raw ng paraan upang maidala ang isang kapamilya ng Pinay habang siya'y nagpapagaling.

Samantala, isang 62-anyos na Pinoy naman ang patuloy na naka-confine sa intensive care unit (ICU) ng isang ospital matapos mawalan ng malay. 

"Doctors are monitoring his condition for further evaluation and treatment. A nephew based in Bangkok is assisting him," dagdag ng ng DMW.

"Meanwhile, MWO-London reports that the UK-based Filipina staff nurse and mother of the two-year-old male infant is already a permanent resident in the United Kingdom. Her husband is there on a dependent’s visa. All three are in stable condition."

Sa kabutihang palad, pare-parehong nasa maayos na kondisyon ang pamilyang Pinoy.

Una nang tiniyak ng Singaapore Airlines na babayaaran nilaa ang lahat ng gastusin ng mga pasaherong sakay ng flight 321.

Patuloy namang babantayan ng MWO-SG, katuwang ng PE-BKK, ang sitwasyon ng limang Pilipino.

Matatandaang namatay ang isang 73-anyos na Briton sa naturang Boeing 777-300ER aircraft. Bukod sa kanya, sugatan sa naturang biyahe ang 70 iba pang pasahero at crew.

Show comments