Pangulong Marcos pinalagan ‘detention rule’ ng China

A China Coast Guard ship monitors Philippine fishermen aboard their wooden boats during the distribution of fuel and food to fishers by the civilian-led mission Atin Ito (This Is Ours) Coalition, in the disputed South China Sea on May 16, 2024.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Kasabay nang pagkondena, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi katanggap-tanggap sa Pilipinas ang  direktiba ng Beijing na ikulong ang mga dayuhang mahuhuling papasok sa pinagtatalunang lugar sa South China Sea.

Sinabi ni Marcos nitong Sabado na gagawin lahat ng gobyerno ang mga hakbang upang palaging maprotektahan ang mga mamamayan.

“The position that we take is that it’s unacceptable and we will take whatever measures to always protect our citizens,” ani Marcos.

Pinahintulutan ng Beijing ang China Coast Guard (CCG) nito na ikulong ang mga dayuhang papasok sa loob ng inaangkin nitong teritoryo nang hanggang 60 araw nang walang paglilitis.

Ang direktiba ay bahagi ng mga bagong regulasyon na inilabas ng CCG nitong Miyerkules na magkakabisa sa Hunyo 15, ayon sa China News Service.

Pinagtibay ng CCG ang mga hakbang na ito noong Mayo 15, sa parehong araw na sinimulan ng “Atin Ito” coalition ang pangalawang civilian mission sa Panatag (Scarborough) Shoal sa West Philippine Sea.

Sa ilalim ng bagong direktiba, pinahihintulutan ang CCG na ikulong ang mga dayuhang pinaghihinalaang lumabag sa entry at exit rules, mga individual na tutulong sa iba upang ilegal na makapasok at makalabas sa Chinese territory at may mga illegal residence o employment.

Show comments