MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa May 2025 midterm elections, nakipag-alyansa sa partido ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Partido Federal ng Pilipinas (PFC) ang Nationalist People’s Coalition (NPC).
Ang paglagda ng PFP at NPC na tinawag na “Alyansa Para sa Bagong Pilipinas” ay ginanap sa Makati Diamond Residences na dinaluhan din ni Pangulong Marcos at dating Senate President Tito Sotto III at mga opisyal ng kanilang partido.
Sinabi naman ni Sotto, NPC Chairperson, na ang alyansa nila ay nakabatay sa genuine unity, strength at positibong pagbabago.
“Pubic service should come before and beyond personal interests. this partnership proves our commitment to the Filipino people that their interests are our primordial duty,” sabi pa ng dating senador.
Nabatid na ang NPC ay mayroong limang miyembro na nakaupo sa Senado at 38 sa Kamara.
Nauna na rin nakipag-alyansa ang PFP sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan ng pinsan ni Pangulong Marcos na si House Speaker Martin Romualdez.