HIV infections sa bansa, patuloy sa paglobo
MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Health (DOH) ang patuloy na pagtaas ng HIV cases sa bansa.
Sa datos mula sa HIV & AIDS and antiretroviral therapy (ART) Registry of the Philippines (HARP) na inilabas ng DOH, mula 1984 hanggang Marso 2024, nakapagtala sila ng 129,772 cumulative diagnosed cases ng HIV.
Sa naturang bilang, 82% ang kabilang sa males having sex with males (MSM), 2% ang people who inject drugs (PWID), 0.2% ang mga babaeng sangkot sa transactional sex, at 0.3% ang mga paslit.
Anang DOH, kapansin-pansin na 89% ng mga naitalang bagong impeksiyon ay naganap sa mga MSM, na halos kalahati o 47% ay mula sa mga kabataang 15-24 years old.
Sa National Capital Region (NCR) at Regions III, IV-A, VI, at VII matatagpuan ang 74% total cases.
Kabilang umano sa 122,255 diagnosed HIV cases na buhay pa, nasa 64% lamang o 78,633 ang kasalukuyang nasa ilalim ng antiretroviral therapy (ART).
Anang DOH, ngayong Enero hanggang Marso, 2024 lamang, umabot sa 3,410 ang newly diagnosed cases, kabilang ang 82 reported deaths.
Sa buwan lamang ng Marso 2024, mayroong 1,224 newly diagnosed cases at 12 reported deaths.
Pinayuhan naman ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga taong may sakit na HIV na huwag mag-atubiling humingi ng tulong para sa kanilang karamdaman.
- Latest