^

Bansa

Pekeng video ni DOH Sec. Herbosa, kumakalat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pekeng video ni DOH Sec. Herbosa, kumakalat
Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa on April 10, 2024.
STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa isang kumakalat na pekeng video na nagtatampok kay Health Secretary Teodoro Herbosa.

Ayon sa DOH, malisyoso ang pagkaka-edit sa video at ang mga pahayag na inilagay dito ay pawang mali.

“The DOH clarifies that none of the allegations stated in the video are true and that the purported interview with the official has been maliciously edited,” pahayag pa ng DOH, sa inilabas na advisory kahapon.

Nagbabala rin ang DOH na magsasampa ng kaso sa mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng naturang video.

Pinayuhan din nito ang publiko na maging vigilante sa mga kahalintulad na posts.

Hinikayat din ng ahensiya ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang sources at platforms, gaya ng DOH mismo.

Hindi naman tinukoy ng DOH ang laman ng video, na burado na mula sa pahinang pinagmulan nito.

TEODORO HERBOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with