China gumagamit ng ‘Marites warfare’ – Philippines Navy

NETDC deputy commander, Commodore Roy Trinidad.
Naval Public Affairs Office

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Philippine Navy na gumagamit ang China ng “Marites warfare” upang pag-awayin ang mga opisyal ng gobyerno at mailihis ang tunay na isyu ng pag-angkin nila sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay PN for West Philippine Sea Spokesman Commodore Roy Vincent Trinidad sa isinagawang press briefing ng Bagong Pilipinas, walang katotohanan ang mga sinasabi ng Chinese embassy sa Pilipinas na mayroon umanong bagong model ng kasunduan sa pagitan ng Western Command at Chinese Diplomats.

Pawang walang mga basehan umano ang pahayag ng Chinese embassy na mayroong recorded na pag-uusap ng WESCOM at Chinese Diplomats dahil kasama ito sa kanilang disinformation .

“Walang katotohanan. Ang lahat ng sinasabi nila, I call it Marites warfare to sow intrigue among us Filipinos na tayo ang mag-away away. And we will be diverted from the true issue which is China encroached into our territorial domain in the West Philippine Sea,” ani Trinidad

Hindi anya dapat nagbibitiw ng mga impormasyon ang China na mas nagpapagulo lamang ng sitwasyon.

Show comments