MANILA, Philippines – Sang-ayon ng isang think tank sa pagrebisa sa Intellectual Property Code upang makatulong sa pagsugpo sa piracy, binigyang-diin ang mga negatibong epekto ng patuloy na paglaganap nito sa ekonomiya at creative industry.
Sa isang statement na naka-post sa Facebook, sinabi ng Stratbase ADR Institute na ang 27-taong batas ay nangangailangan ng pagrepaso dahil ang patuloy na piracy sa creative content ay nagdulot ng “malaking demoralization” sa local creatives, na nagbigay-daan sa paglaganap ng scammers at fraudsters.
"Online piracy disrupts the marketplace of creative works because it allows — and incentives — the use of illegal means to benefit from the work of others. It causes great demoralization, on top of financial loss, to those who invest not only their resources but also their hard work and passion in what they do," sabi ng Stratbase.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), kinukuha ng piracy ang 7.1% ng gross domestic product ng bansa. Nagreresulta ito sa pagkawala ng kita para sa bansa at ng kabuhayan, at nagbabanta rin ito na magdala ng malware sa mga device na gumagamit ng pirated content, na maaaring maging gateway para sa scams.
Ang Pilipinas sa kasalukuyan ay walang legislative mandate upang harangin ang mga site na may pirated content. Nagtutulungan lamang ang Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), ang National Telecommunications Commission (NTC), at ang internet service providers upang magkaroon ng stop gap measures para harangin ang mga site na may pirated content.
Noong 2022, nasa $700 million ang nawala sa Pilipinas sanhi ng piracy ng TV shows at movies na gawa ng mga Pinoy, kung saan ang bansa ay pinangalanan bilang isa sa top consumers ng pirated content sa Asia, ayon sa YouGov 2022 Piracy Landscape Survey.
Sa pagtaya ni IPOPHL director General Rowel Barba, ang Pilipinas ay mawawalan ng $1 billion na kita sa 2027 kapag nagpatuloy ang problema sa online piracy.
Sinabi pa ng IPOPHL na ang pagrebisa sa 27-year-old IP code at ang pagmamandato sa mga awtoridad na i-disable ang access sa online sites na lumalabag sa copyright ay isang makabuluhang hakbang at sinabing isinusulong nila ang pag-amyenda sa batas at nakahanda silang ipatupad ito sa sandaling ipasa.
Sinabi rin ng Stratbase na ang pagrebisa sa batas ay makatutulong na mabigyan ng kapangyarihan ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tugisin ang mga kahina-hinalang sites at ipasara ang mga ito.
"Online criminals and intellectual property thieves have gotten away with many things in the past. These people unjustly enrich themselves by profiting from the work and resources and that rightfully belong to others. They must be stopped now," dagdag pa ng think tank.
Ang pagrebisa sa IP Code upang labanan ang piracy ay nakakuha rin ng suporta sa Senado makaraang pamunuan ni Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship chairman Sen. Mark Villar ang public hearing sa pag-amyenda sa Intellectual Property Code, partikular sa pagkakaloob sa IPOPHL ng karagdagang kapangyarihan kamakailan.
“The Philippine digital economy is valued at $17 billion in 2021 and is projected to expand to 40 billion dollars by 2025. This manifests the changing economic landscape leaning towards digital products and services. We need to ensure that our laws remain on par with the dynamic changes of the digital ecosystem,” dagdag ni Villar.
Sinabi pa ni Villar na ang pag-apruba sa Senate Bill Nos. (SBN) 2150 at 2385 ang magreresolba sa mga isyu sa online piracy, sa sandaling maisabatas.