Giit ng ex-Defense chief:
MANILA, Philippines — Naniniwala si dating Defense secretary Norberto Gonzales na dapat ihanda ng gobyerno ang 20 milyong kabataan para sa digmaan sa gitna ng patuloy na pangha-harass at pambu-bully ng mga Tsino.
“We should take advantage of our assets that others don’t have, and that is our young people. If I am not mistaken, in terms of number, we have 20 million young Filipinos that we can train for war,” ani Gonzales sa idinaos na Tapatan Forum sa Club Filipino, San Juan City nitong Biyernes.
Iginiit ni Gonzales na dapat bigyan ng kakayahan at responsibilidad ang mga kabataan upang sila ay mapakilos sa anumang contingencies.
“He wants to become a world power. He is envious of the United States and no less than our former ambassador has said that one way to really mobilize the Chinese people behind the government is that there is an external threat to China. The Chinese party has wisely chosen the Philippines to be an enemy as it can easily defeat us,” ani Gonzales.
Kailangan aniya na baguhin ang lumalabas na imahe ng mga Pilipino para sa mga Tsino na itinuturing lamang ang mga Pinoy na ‘cheap’ at madaling masuhuluan para sirain ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.