Comelec tuloy sa paghahanda sa BSKE 2025
MANILA, Philippines — Nakasalalay sa mga mambabatas kung kailan ang susunod na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes.
Reaksyon ito ni Comelec chairperson George Erwin Garcia sa mga panawagan para sa pagpapaliban ng Disyembre 1, 2025 elections.
“The fixing of the date of election is an absolute discretion of Congress, so long as it complies with the guidelines/criteria laid down by the Supreme Court in case of postponement and resetting,”ani Garcia sa phone interview ng PNA.
Inihain ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte ang House Bill 10344 na naglalayong ilipat ang Barangay at SK elections sa Oktubre 26, 2026.
Ang pinakahuling BSKE ay noong Oktubre 2023.
Sa paghahain ng panukalang batas, sinabi ni Villafuerte na ang paglipat ng BSKE sa ibang araw ay kinakailangan dahil ang kasalukuyang barangay at mga opisyal ng kabataan ay maglilingkod lamang sa loob ng dalawang taon, sa halip na tatlo, kung magpapatuloy ang botohan sa susunod na taon.
Ayon pa kay Garcia, tuloy pa rin ang paghahanda para sa December 2025 elections at saka lamang kikilos sa pagpapaliban kung ang panukala ay malagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
- Latest