NTF-ELCAC ipinabubuwag matapos kilalanin ng SC negatibong epekto ng red-tagging
MANILA, Philippines — Nananawagan ang sari-saring progresibong grupo na tuluyan nang lusawin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) matapos ang makasaysayang desisyon ng Korte Suprema.
Miyerkules lang kasi nang ideklara ng Supreme Court bilang "banta sa buhay, kalayaan at seguridad" ang bara-barang pag-uugnay ng mga indibidwal sa armadong rebelyon ng mga komunista — bagay na kilala rin bilang red-tagging.
Ibinaba ng korte ang desisyon matapos gawaran ng Writ of Amparo ang ligal na aktibistang si Siegfred Deduro, na siyang pinararatangang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) ng militar.
"We strongly demand justice for all victims of redtagging and all human rights and international humanitarian violations," wika ng human rights group na Karapaatan kahapon.
"We denounce and call for the abolition of the NTF-ELCAC, as the most notorious red-tagging machinery of the Marcos-Duterte administration."
Una nang sinabi ng SC na madalas mauwi ang red-tagging — na kinikillang porma ng harassment at pananakot — sa surveillance, panggigipit at minsa'y pati kamatayan.
Matagal nang iniuugnay ang NTF-ELCAC sa mga kampanya ng red-tagging, hindi lang sa mga aktibista ng kaliwa ngunit pati mga kritiko ng gobyerno't artista. Dati na itong ginawa kay Angel Locsin, Liza Soberano at Catriona Gray.
Dagdag pa ng Karapatan, delikado ito lalo na't hindi na pinag-iiba aniya ng gobyerno ang mga sibilyan sa mga armadong rebelde sa ilalim ng counter-insurgency campaign nito.
"The NTF-ELCAC and its functionaries have also repeatedly blocked all efforts to push for the enactment of proposed legislation criminalizing redtagging and protecting human rights defenders," sabi pa ng grupo.
"Marcos Jr.’s own National Security Policy, implemented by the NTF-ELCAC, contains language institutionalizing redtagging as policy of the current regime."
"KARAPATAN views the recently published Supreme Court En Banc decision partially granting the writ of amparo of activist Siegfred Deduro as an important legal decision recognizing the dangerous consequences of red-tagging, vilification, and labelling."
Ano ba ang Writ of Amparo?
Tumutukoy ang isang Writ of Amparo sa ibinibigay na remedy ng korte sa sinumang nalalabag ang karapatan sa buhay, kalayaan at seguridad dahil sa "unlawful act" ng gobyerno o pribadong indibidwal.
Ayon sa Korte Suprema, ginagawa ng red-tagging ang isang tao bilang target ng vigilante, paramilitary groups o kahit mga ahente ng gobyerno. Dahil dito, madali aniyang matindihan kung bakit maaaring matakot para sa kanyang buhay ang mga nare-red tag.
Ilan sa mga proteksyong maaaring ibigay matapos maghain ng naturang petisyon ang sumusunod:
- temporary protection order
- inspection order
- production order
- witness protection order
Una nang sinabi ng Karapatan na dumanas ng extrajudicial killings ng mga sumusunod na aktibista matapos nilang ma-red-tag:
- Zara Alvarez
- Jory Porquia
- Bernardino Patigas Sr.
- Atty. Benjamin Ramos
- maraming pang iba
Isyu ng Anti-Terror Law
Ikinatuwa rin ng grupong PAMALAKAYA ang ruling ng SC patungkol haabang sinsang-ayunan ang mungkahi ng Karapatan na lusawin ang NTF-ELCAC. Naging pagkakataon din ito para mabanatan ang Anti-Terrorism Act of 2020, na diumano'y nagagamit daw para patahimikin ang mga progresibo.
"This also strengthens our clamor to repeal repressive laws that further shrink democratic space, such as the Anti-Terror Law," ani Ferdinand Hicap, national chairperson ng PAMALAKAYA.
"Our fisherfolk members and community organizers have been constant targets of red-tagging with corresponding state surveillance, trumped-up charges, and extra-judicial killings."
Umaasa ngayon sina Hicap na magreresulta sa legal repercussions laban sa red-taggers ang panibagong ruling ng SC, lalo na't nailalagay daw sa kapahamakan ang buhay ng mga aktibista.
Una nang nanawagan ang ilang United Nations special rapporteurs na itigil na ang red-tagging, maliban pa sa panawagang buwagin at ibasura ang NTF-ELCAC at Anti-Terror Law.
- Latest