^

Bansa

Mga doktor apektado sa isyu ng multi level marketing

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inamin ni Atty. Dezery Perlez, isa sa mga abogado ng Bell-Kenz Pharma, na lubhang apektado na ang mga doktor ukol sa usapin ng multi level marketing (MLM).

Sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay, walang batas na nagbabawal na magkaroon ng pagmamay-ari ang isang doktor ng hospital, botika, diagnostic center at laboratory clinic.

Dahil dito aniya walang maituturing conflict of interest ukol sa mga negosyo ng mga doktor sa kanilang propesyon.

Ibinunyag din ni Perlez na ang ibang doktor ay nalalagay na rin sa peligro ang buhay dahil ang kanilang seguridad ay nasasakripisyo sa pag-post ng kanilang mga sasakyan at mga mukha sa social media.

Pinag-aaralan na rin ng mga doktor ang pagsasampa ng kaukulang kaso Laban sa mga malisyosong post sa internet.

Bukod pa dito, sinabi ni Perlez na marami na ring mga doktor ang nakatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay.

Kaugnay nito tahasang sinabi ni Bell-Kenz Pharma President and Chief Executive Officer Luis Raymond Go na bilang isang doktor ay marami pa nga silang mga pro-Bono cases kesa ang kumita o maningil sa kanilang pasyente lalo na siya na nagsisilbing cardiologist sa Philippine Heart Center.

vuukle comment

HOSPITAL

LABORATORY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with