^

Bansa

Pinoy na alaws trabaho sumirit sa 2-M sa paglobo ng inflation rate

James Relativo - Philstar.com
Pinoy na alaws trabaho sumirit sa 2-M sa paglobo ng inflation rate
Multiple labor unions and other associations stage a rally across Metro Manila on May 1, 2024.
The STAR/Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Lumobo sa 3.9% ang unemployment rate sa Pilipinas nitong Marso matapos ang panandaliang pagbaba noong Pebrero, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules.

Umabot na kasi sa dalawang milyon ang walang trabaho sa Pilipinas, ayon sa March 2024 Labor Force Survey na inilathala ng PSA ngayong Miyerkules.

Mas mataas ito kaysa sa unemployment rate noong Pebrero na noo'y nasa 3.5%, bagay na katumbas ng 1.8 milyong Pinoy.

Narito ang ilang datos mula sa pag-aaral:

  • Unemployment rate: 3.9%
  • Unemployed: 2 milyon
  • Employment rate: 96.1%
  • Employed: 49.15 milyon
  • Underemployment rate: 11%
  • Underemployed: 5.39 milyon
  • Labor force participation rate: 65.3%
  • Labor force: 51.15 milyon

Kasabay nito ang pagbaba ng employment rate mula sa 96.5% (o katumbas ng 48.95 milyon) noong Pebrero. Maliban pa ito sa pagtaas ng labor force participation mula sa dating 64.8%.

Kapansin-pansing bumaba ang underemployment rate, o porsyento ng mga naghahanap ng karagdagang trabaho, bagay na nasa 12.4% isang buwan bago inilabas ang datos.

Gayunpaman, tumaas ang oras na karaniwang ino-overtime ng mga empleyado sa 40.7 oras/linggo kumpara sa 40.1 average hours kada linggo noong February 2024.

"Sa mga employed na kalalakihan nitong Marso 2024, 12.4 percent sa kanila ay underemployed. Higit na mas mataas ito kumpara sa underemployment rate ng mga kababaihan na nasa 9.0 percent lamang," sabi ng PSA sa isang tweet."

"Kung ang datos ng pangunahing sektor naman ang ating susuriin nitong Marso 2024, ang services sector pa rin ang nanatiling bumubuo sa pinakamalaking bahagi ng labor force na may 61.4 percent share."

Naiulat ang mas mataas na kawalang trabaho isang araw matapos ibalitang tumaas sa 3.8% ang inflation rate — o bilis ng pagtaas ng presyo ng bilihin — noong Abril.

Ngayong araw lang nang magkasa ng kilos-protesta ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Kilusang Mayo Uno (KMU), Nagkaisa! Labor Coalition (NAGKAISA!), at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Kamara para ipanawagan ang P150 pagtataas ng minimum na sahod.

INFLATION RATE

LABOR

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

UNEMPLOYMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with