Manhunt ops ng NBI kay Quiboloy, inilarga sa Davao
MANILA, Philippines — Pinasusuko ng National Bureau of Investigation-Davao si Kingdom of Jesus Christ pastor Apollo Quiboloy matapos mabigo ang mga awtoridad na makita ito sa ginawang manhunt operations kahapon sa ilang ari-arian nito sa Davao kahapon.
Nabatid na tinungo ng NBI-Central Mindanao Regional Office ang Prayer Mountain at Glory Mountain ni Quiboloy subalit hindi natagpuan ang Pastor sa Tamayong, Calingan, Davao.
Ayon sa NBI-Central Mindanao Regional Office (CEMRO), ang kanilang pagsalakay sa mga posibleng ‘hideout’ ni Quiboloy ay bunsod ng mga impormasyon na labas-pasok ang mga sasakyan sa lugar.
Bagamat hindi nadatnan si Quiboloy sa lugar, tinanggap naman ng kanyang abogado na si Kathleen Kaye Laurente ang arrest warrant laban sa Pastor.
Sinabi naman ni NBI Region 11 director Arcelito Alba, patuloy nilang hahanapin si Quiboloy na nahaharap sa tatlong kaso ng sexual and child abuse sa Davao Regional Trial Court at qualified human trafficking charges sa Pasay Regional Trial Court.
Tiniyak naman ni Alba na magiging mapagmatyag pa rin sila sa mga lugar na maaaring puntahan at pagtaguan ni Quiboloy lalo pa’t kinansela na ng Bureau of Immigration ang kanyang pasaporte
- Latest