Price freeze sa El Niño, iginiit
MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga lokal na deklarasyon ng state of calamity, idiniin ni Sen. Tolentino ang pangangailangan ding ideklara ang isang probisyon ng Price Act para sa kaluwagan ng mga konsumer.
Binabanggit ang Seksyon 6 ng R.A. 7581, binigyang-diin ni Senator Talentino na ang pambansang deklarasyon ng state of calamity ay isang paunang hakbang para ma-trigger ang pagpapatupad ng price freeze sa buong bansa.
Habang nagdeklara ng state of calamity ang ilang local government units, gaya ng Iloilo City, ang iba naman ay nag-aalangan dahil sa limitasyon sa badyet o pagrereserba ng pondo lalo na para sa mga emergency na may kinalaman sa bagyo.
“Nasa hurisdiksyon ng DTI na magpatupad ng price freeze, lalo na sa panahon ng krisis tulad ng kasalukuyang sitwasyon ng El Niño,” pahayag ni Tolentino.
“Kailangan ang agarang aksyon para mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo sa mamamayang Pilipino.”
Sa pagtaya na magtatagal ang El Niño hanggang sa katapusan ng Mayo, hinimok ni Sen. Tolentino ang DTI na mabilis na magpatupad ng price freeze upang maprotektahan ang mga mamimili mula sa tumataas na gastos.
Samantala, kinumpirma ni Sen. Tolentino na 3 empleyado ng municipal goverment ng Pili, Camarines Sur ang namatay dahil sa heatstroke, ayon sa pagberipika ng municipal health officer.
Ang insidenteng ito ay nagsisilbing matibay na ebidensya ng malawakang epekto ng El Niño phenomenon.
- Latest