Kahit i-water cannon ng China, civilian mission sa West Phiilippine Sea, tuloy

This photo taken on Feb. 16, 2024 shows Filipino fishermen aboard their wooden boats (middle L and 2nd L) and Philippine Fisheries and Aquatic Resources personnel aboard their rigid hull inflatable boat (foreground C) sailing past a Chinese coast guard ship (top) near the China-controlled Scarborough Shoal, in disputed waters of the South China Sea.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines —Tiniyak ng Atin Ito Coalition na hindi mapipigilan ng  water cannon ng China ang kanilang misyon sa West Philippine Sea (WPS) sa Mayo 15.

Ayon  kay Atin Ito co-convenor at Akbayan Party president Rafaela David, tuloy ang 100-boat civilian mission sa WPS at hindi umano sila natatakot sa pinakahuling pangha-harass at pambobomba ng China nitong Martes.

“Hindi tayo nagpapatinag. We’re like plants watered by adversity – thriving, not just surviving. Parang halamang dinidiligan ng tubig, lalo lamang namumulaklak ang ating pagkakaisa para ipaglaban ang WPS,” ani David.

Nabatid na lalahok sa misyon ang dalawang barko na gagabayan at sasamahan ng   100 maliliit na fishing vessels sa Zambales.

Hinihikayat din ang lahat na sumama upang makita at idokumento ang sitwasyon sa WPS at hirap ng mga Pilipinong mangingisda.

Show comments