^

Bansa

NAIA flight na-delay matapos 'bomb threat' mula sa isang babae

James Relativo - Philstar.com
NAIA flight na-delay matapos 'bomb threat' mula sa isang babae
Passengers look at a screen showing flight information at terminal 3 of Ninoy Aquino International Airport in Pasay, Metro Manila on January 1, 2023. Thousands of travellers were stranded at Philippine airports on January 1 after a "loss of communication" at the country's busiest hub in Manila forced hundreds of flights to be cancelled, delayed or diverted.
AFP/Kevin Tristan Espiritu, File

MANILA, Philippines — Binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga banyagang huwag magbiro tungkol sa bomba sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), bagay na maaaring magresulta sa deportation o "denial of entry" sa Pilipinas.

Ito ang pahayag ng kawanihan matapos ang isang insidente  nitong Miyerkules, dahilan para maantala ang lipad ng Japan-bound Philippine Airlines (PAL) flight PR412.

Limang oras na-delay ang naturang flight sa NAIA Terminal 1 matapos makatanggap ng bomb threat ang mga awtoridad mula sa tawag ng hindi pa nakikilalang baabae.

"Bomb jokes or any comments referencing explosives are not taken lightly, especially in sensitive environments like airports," wika ni BI commissioner Norman Tansin kanina.

"Such actions can be construed as threats and may lead to exclusion or deportation if foreign nationals are involved."

 

 

Sa ilalim ng Presidential Decree 1727, ipinagbabawal ang pagbibiro o pagbabanta tungkol sa pambobomba ng gusali, sasakyan, personal na ari-arian, atbp. sa pamamagitan ng "explosives, incendiary devices, and other destructive forces of similar nature or characteristics."

Ang mapatutunayang lalabag sa naturang batas ay maaaring makulong ng hindi bababa sa limang taon at/o pagmultahin ng hindi bababaa sa P40,000 — depende sa pananaw ng korte.

"We urge all foreign nationals to exercise caution and refrain from making any statements or jokes that could be deemed as threats to security," dagdag pa  ni Tansingco.

"Our country remains hospitable for foreigners, but for only those who follow our laws."

Dagdag pa ng Immigration, obligasyon ng mga dayuhang sumunod sa batas ng Pilipinas habang nasa loob ng bansa kung ayaw nilang humarap sa sari-saring parusa mula sa local law enforcement agencies.

BOMB JOKE

BOMB THREAT

BUREAU OF IMMIGRATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with