Akusasyon vs PNPchief pinabulaanan
MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang akusasyon ng pagtatanggal ng rice allowance ng kanyang mga tauhan at ibinibigay sa mga persons deprived of liberty (PDL).
Ayon kay Marbil, walang basehan ang nasabing akusasyon at sa katunayan ay wala siyang inilalabas na direktiba hinggil dito.
Malinaw anya na plano ng ilang indibidwal na sirain ang kanyang reputasyon.
Sinabi ni Marbil na ang malisyosong pag-atake sa kanya ay paghahasik ng kasinungalingan at taliwas sa kanyang layunin na ibalik ang dangal at matinong pagseserbisyo sa publiko.
Tiniyak ni Marbil na may mga kasamahan siya sa PNP na tatamaan sa kanyang mga reporma. Aniya, nanindigan siya na ang kayang katapatan ay nasa publiko.
Dahil dito, binalaan ni Marbil ang mga taong naglalayong sirain ang kanyang reputasyon at hadlangan ang kanyang mga plano sa PNP.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon upang matukoy ang posibleng nasa likod ng ipinalakat na maling akusasyon laban sa kanya.
- Latest