MANILA, Philippines — Binangga at binomba ng tubig ng mga barkong Tsino ang ilang sasakyang pandagat ng gobyerno, bagay na nakatakdang magdala ng pagkain at fuel para sa mga mangingisdang Pinoy habang nagpapatrolya sa West Philippine Sea.
Kinumpirma ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela ang kinasapitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BRP BANKAW) at Philippine Coast Guard (BRP BAGACAY) na magpapatrolya malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Related Stories
"During the patrol, the Philippine vessels encountered dangerous maneuvers and obstruction from four China Coast Guard vessels and six Chinese Maritime Militia vessels," wika ni Tarriela ngayong Martes ng umaaga.
"At approximately 09:53, when the BFAR vessel was about 12 nautical miles from BDM, CCG-3305 utilized its water cannon, directly hitting the starboard astern of the BFAR vessel."
Yesterday, the Philippine Coast Guard vessel, BRP BAGACAY (MRRV-4410), and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources vessel, BRP BANKAW (MMOV-3004), were assigned to carry out a legitimate maritime patrol in the waters near Bajo De Masinloc. The primary objective of this… pic.twitter.com/5jQkS2g66e
— Jay Tarriela (@jaytaryela) April 30, 2024
Ang fuel and food distribution ay ikinasa ng BFAR at PCG alinsunod aniya sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng seguridad sa pagkain.
Dagdag pa ni Tarriela, nakuha pa ng CCG-3105 at CCG-5303 na gamitin ang kanilang jet stream water cannons laban sa PCG vessel nang pumasok ito 1,000 yards silangan-timogsilangan ng Bajo de Masinloc.
"[It was] targeting the PCG vessel from both sides, resulting in damage to the railing and canopy," dagdag pa niya"
"This damage serves as evidence of the forceful water pressure used by the China Coast Guard in their harassment of the Philippine vessel."
Makikita rin sa video na ito ang pagbangga ng China Coast Guard sa BFAR vessel Datu Bangkaw. Kasama sa mga nakasakay sa Filipino vessels ang ilang kawani ng media.
Bukod pa rito, nakuha pa aniya ng China Coast Guard na maglagay ng 380-metrong floating barrier para harangan ang buong entrance ng shoal, dahilan para maisara ito sa iba.
Nangyayari ang lahat ng ito kahit una nang binalewala ng Philippine Court of Arbitration ang nine-dash line claim ng China sa halos buong South China Sea. Ang Bajo de Masinloc sa loob ng 200 nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sa kabila ng panggigipit na ito, ipinagpatuloy ng PCG at BFAR ng kanilang maritime patrol. Wika pa ni Tarriela, hindi nito mapipigilan ang gobyerno ng Pilipinas na maagsagawa ng lehitimong operasyon para suportahan ang mga mangingisdang Pilipino.
Una nang sinabi ng Estados Unidos na handa itong dumepensa sa Pilipinas oras na makaranas ito ng armadong pag-atake sa Pasipiko at South China Sea sa ngalan ng Mutual Defense Treaty. — may mga ulat mula sa ONE PH