Bong Go, katuwang ng local legislators sa public service
MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na napakahalaga ng mga pro-poor legislation sa lokal na pamamahala upang isulong ang kapakanan ng mga naghihirap at hindi nabibigyan ng serbisyo.
Ginawa ni Go ang pahayag sa kanyang pagdalo sa pulong ng Philippine Councilors League—Southern Leyte Chapter sa Summit Ridge sa Tagaytay City noong Biyernes sa imbitasyon ng presidente nito na si Konsehal Ina Marie Loy.
“Sa araw na ito, tayo ay nagtitipon hindi lamang bilang mga opisyal ng ating mga lokalidad kundi bilang mga pinuno na may iisang layunin: ang mapalakas at mapabuti ang kalagayan ng ating mga nasasakupan,” ani Go.
Binanggit niya na mahalagang mapangalagaan ang kapakanan ng mga empleyado ng pampublikong sektor upang mabigyan sila ng kapasidad na mapaglingkuran nang maayos ang kanilang mga nasasakupan.
Noong 18th Congress, isa si Go sa author at co-sponsor ng Salary Standardization 5 na nagtaas ng sweldo ng lahat ng government workers.
Ngayo’y isinusulong niya ang Salary Standardization Law 6, SSL 6 na higit pang magpapataas sa suportang pinansyal ng mga empleyado ng gobyerno.
Itinutulak din ni Go ang Senate Bill No. 194 o ang E-Governance Act na lilikha ng pinag-isa at komprehensibong network ng pamahalaan upang mapahusay ang pagbabahagi ng impormasyon at mapabuti ang komunikasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pambansa at lokal na pamahalaan.
Layon nitong pabilisin ang mga proseso sa pamamahala para sa mas transparent at madaling ma-access ng publiko.
- Latest