MANILA, Philippines — Pinarerebisa ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang regulasyon hinggil sa pagkakaroon ng tattoo ng mga pulis at sa mga nais na mag-pulis.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, inatasan ni Marbil ang Directorates for Personnel and Records Management (DPRM) na muling pag-aralan ang Memorandum Circular 2024-023 na nagsasaad na dapat ipabura ang mga tattoo ng mga uniformed at non-uniformed personnel.
Sinabi ni Fajardo na aaralin ng DPRM ang implementasyon sa pagpapabura ng mga tattoo dahil na rin sa medical at health issues.
Maging ang halaga ng pagpapatanggal ng tattoo ay posibleng maging problema ang mga pulis.
Una nang sinabi ni Fajardo na kailangan ding ideklara ng mga pulis ang kanilang mga tattoo sa katawan na hindi naman nakikita.
Hindi naman sakop ng polisiya ang aesthetic tattoos, tulad ng eyebrows, eyeliner, o lips.