^

Bansa

Pangulong Marcos sa mga Pinoy: Kabayanihan ni Lapu-lapu, tularan

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino lalo na ang mga kabataan na ipagpatuloy ang mga ideals ni Lapu-lapu pati na ang mayamang kultura ng bansa habang patungo sa “Bagong Pilipinas.”

“The challenge now for all, especially the youth, is to continue embracing his [Lapulapu] ideals and the wealth of our heritage as we realize a ‘Bagong Pilipinas’ that is built on the foundations of the liberty and freedom that he and all our other heroes fought hard for,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nakiisa si Pangulong Marcos sa paggunita ng bansa sa kabayanihan, katapangan at kapangahasan ni Lapu-lapu at ng mga tauhan nito sa Battle of Mactan na isa sa mga naging simbolo ng katapangan ng Filipino spirit hanggang sa ngayon.

Si Pangulong Marcos ang nagsilbing guest of honor sa paggunita sa ika-503 Commemoration of the Victory sa Mactan, Cebu.

Ayon sa Pangulo, dapat ipagpatuloy ng mga Filipino na gayahin ang kabayanihan ni Lapu-lapu lalo na sa pagharap sa mga hamon sa kahirapan, pagkagutom at unawareness.

Patuloy anya na nahaharap sa ibat ibang bagong hamon ang Pilipinas. Pero malalagpasan ito kung nagkakaisa.

“Nandito tayo ngayon upang sariwain ang kabayanihang naganap mahigit limang daang taong nakararaan. Ngunit, ang mas mahalaga, ang pagbabalik-tanaw, ang ating sagradong panunumpa na ating ipapagpatuloy ang diwang ipinamalas nila Datu Lapu-lapu,” pahayag ng Pangulo.

Nag-alay din ng bulaklak si Pangulong Marcos sa bantayog ni Lapu-lapu.

LAPULAPU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with