MANILA, Philippines — Pamumunuan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang isang agarang imbestigasyon, in aid of legislation, kaugnay ng lumalaking agwat ng farmgate at retail prices ng bigas at iba pang basic goods, sa sandaling magbalik na sa sesyon ang House of Representatives sa Lunes.
Kasunod na rin ito nang pakikipagpulong nina Romualdez at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa mga kinatawan ng producers, retailers, at grocery stores noong Martes, kung saan itinanggi ng mga ito na nagpatupad sila ng substantial price changes.
“I would ask Chairman Mark Enverga of the Committee on Agriculture to immediately start the ball rolling for an investigation into the disconnect between farmgate and retail prices of basic goods,” ayon kay Romualdez.
“The discrepancy between farmgate and retail prices of basic goods is alarming and warrants immediate attention. We cannot ignore the plight of our farmers who are struggling to make ends meet, nor can we turn a blind eye to the burden placed on consumers,” dagdag pa niya.
Sa naturang pulong, ipinabatid ni Jayson Cainglet ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa Speaker na ang farmgate prices ng bigas, poultry, pork, at maging sibuyas ay napanatili sa nakalipas na tatlong buwan, upang hindi magkaroon ng pagtaas ng presyo sa mga naturang items.
Siniguro naman ni Romualdez sa mga producers at retailers na iimbestigahan ng Kamara ang naturang price discrepancy, dahil committed rin umano siya pagsasagawa ng masusing pagrepaso sa umiiral na mga batas upang protektahan ang interes ng mga consumers at producers at maiwasan ang profiteering.