CamSur no. 1 sa heat index habang 30 lugar sa bansa nasa 'danger levels'
MANILA, Philippines — Posibleng magbaga sa 46°C ang heat index sa Pili, Camarines Sur ngayong Miyerkules matapos mag-isyu ng babala ang PAGASA ng mas mataas na probability ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke sa 30 lugar sa Pilipinas.
Ito ang ibinagi ng state weather bureau matapos maitala ang highest heat index ngayong araw sa Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA).
Kabilang sa mga lugar na nasa "danger" classification ang heat index ay ang mga sumusunod na lugar:
- NAIA Pasay City, Metro Manila: 44°C
- Science Garcen Quezon City, Metro Manila: 43°C
- Dagupan City, Pangasinan: 45°C
- Aparri, Cagayan: 45°C
- Tuguegarao City, Cagayan: 44°C
- ISU Echague, Isabela: 42°C
- Iba, Zambales: 42°C
- CLSU Munoz, Aurora: 43°C
- Baler (Radar), Aurora: 42°C
- Casiguran, Aurora: 42°C
- Sangley Point, Cavite: 43°C
- Ambulong, Tanauaan Batangas: 42°C
- Alabat, Quezon: 42°C
- Coron, Palawan: 43°C
- San Jose, Occidental Mindoro: 45°C
- Puerto Princesa City, Palawan: 45°C
- Aborlan, Palawan: 45°C
- Daet, Camarines Norte: 42°C
- Legazpi City, Albay: 43°C
- Virac (Synop), Catanduanes: 43°C
- Masbate City, Masbate: 43°C
- CBSUA-Pili, Camarines Sur: 46°C
- Roxas City, Capiz: 43°C
- Iloilo City, Iloilo: 43°C
- Dumangas, Iloilo: 42°C
- La Granja, La Carlota, Negros Occidental: 42°C
- Catarman, Northern Samar: 42°C
- Catbalogan, Samar: 42°C
- Tacloban City, Leyte: 42°C
- Guiuan, Eastern Samar: 44°C
Ang danger classification, na nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C heat index, ay nagdudulot ng mas mataas na posibilidad ng heat cramps at heat exhaustion. Posible rin ang heat stroke kung tatagal sa ilalim ng initan ang indibidwal.
Lagpas dito, "extreme danger" na ang heat index.
Init nakamamatay
Naitala ang lahat ng ito ilang araw matapos iulat ng Department of Health ang 34 kaso ng "heat-related illnesses" — anim sa kanila ay binawian ng buhay.
Sinasabing nagmula sa Central Visayas, Ilocos Region at Soccsksargen Region ang mga namatay sa init.
Ilang eskwelahan na ang nagsuspindi ng kani-kanilang pasok dahil sa matinding init ng panahon kasabay ng "warm and dry season."
Una nang ipinaliwanag ng PAGASA na magkaiba ang karaniwang air temperature na sinusukat ng thermometer kumpara sa heat index. Ang huli ay sumusukat sa init na nararamdaman ng katawan ng tao.
- Latest