Pamilyang nagsabing sila ay mahirap bumaba - OCTA
MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Pilipino na nakaranas ng gutom at kahirapan sa unang quarter ng 2024.
Sa pinakahuling OCTA Research survey, lumalabas na 42 percent o 11.1 milyong pamilya sa bansa ang itinuturing na mahirap.
Mas mababa ito sa 45% o katumbas ng 11.9 milyong Pinoy na nagsabing sila ay mahirap noong 4th quarter ng 2023.
Ayon sa OCTA, nagpapakita rin ito ng tuluy-tuloy na downward trend sa self-rated poverty na nasa 50% noong Hulyo 2023.
Malaki ang ibinaba ng self-rated poverty sa Metro Manila, 29% mula 40%; Balance Luzon, 28% mula rsa 46%; habang 47% sa Visayas.
Bumaba rin sa 11% o 2.9 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger sa unang quarter ng 2024, mas mababa sa 14% noong 2023.
Kabilang naman sa mga rehiyong may pagbaba ng self-rated hunger ang Visayas at Mindanao.
Isinagawa ang Tugon ng Masa survey ng OCTA mula March 11-14 ngayong taon sa 1,200 respondents nationwide.
- Latest