^

Bansa

NDF tagahasik ng lagim - NTF ELCAC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) Executive Director at Undersecretary Ernesto Torres Jr.  na ang National Democratic Front (NDF) ang tunay na taga-hasik ng lagim sa listahan ng mga terorista sa bansa.

“Kung terrorist grooming ang pag-uusapan, nasa umbrella ng isang designa­ted ng isang terrorist group ng ating Anti-Terrorism Act ‘yung pinakamalaking terrorist groomer dito sa ating bansa, and I’m referring to the Nationanll Democratic Front of the Philippines (NDFP),” ani Torres.

Isiniwalat niya ito kasunod ng pagkamatay ni Kaliska Dominica Peral­ta, kilala bilang Ka Recca, na napaslang sa isang engkwentro. Nagpapakita aniya ito ng patagong pamamaraan ng NDF nang ma-recruit si Peralta ng mga rebelde habang nag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas.

Sinabi ni Torres na nakakabahala ang diskarteng ito ng NDFP na nagdiriwang ng ika-51 taon ngayong Abril 24, mula nang maitatag ito noong 1973.

Ang NDFP aniya ang nagkumpas mula noon ng mga strikes, student boycotts, at mga protesta para madestabilisa ang pamahalaan.

Hindi na raw mapapayagan ng pamahalaan na magpatuloy pa ang panlilinlang na ito ng NDFP na tumatayong ulo ng CPP-NPA.

Ngayong natanggalan ng maskara ang NDFP, isiniwalat na rin ni Torres na ito ay kumikilos gamit ang mga Underground Mass Organizations at iba pang front organization para maka-recruit ng mga sektor na madaling hikayatin.

vuukle comment

COMMUNIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with