9K Chinese naisyuhan ng student visa sa Metro Manila – BI

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Bureau of Immigration (BI) na ang karamihan ng mga Chinese nationals na nabigyan ng student visa sa bansa ay nasa Metro Manila.

“Actually, majority po ng foreign nationals, particularly Chinese nationals, that were issued student visas ay nasa Metro Manila po,” pagka­klaro ni BI Spokesperson Dana Sandoval.

Ayon kay Sandoval, base sa datos ay nasa mahigit 9,000 na Chinese nationals ang inisyuhan ng student visas sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila.

Nauna rito, napaulat na dumadagsa ang mga Chinese students sa ilang kolehiyo at unibersidad sa Cagayan Valley.

Sa inilabas namang datos ng BI kamakailan, nabatid na noong 2023 ay mayroong kabuuang 1,516 Chinese nationals ang binigyan ng student visa sa Cagayan at sila ay pawang inindorso ng mga pangunahing unibersidad ng Pilipinas.

Gayunman, sinabi ng BI na base sa ulat, mahigit 400 Chinese students lamang ang on-site, dahil ang paaralan ay nagpapatupad ng distance learning.

Ipinaliwanag ni San­doval, na ang student visas ay taun-taong nire-renew.

Show comments