BrahMos cruise missile galing India dumating na
MANILA, Philippines — Nasa Pilipinas na ang BrahMos supersonic cruise missile mula sa India na bahagi ng $375 milyon deal ng Pilipinas at India noong 2022.
Biyernes nang dumating sa bansa ang cruise missile sakay ng Indian Air Force.
Inihayag din ito mismo ni Indian Prime Minister Narendra Modi sa kanilang Indian News outlet.
Lumilitaw na ang BrahMos Aerospace Private Limited (BAPL) ay isang joint venture company sa pagitan ng Defence Research and Development Organisation (DRDO) ng India na 876i lumagda sa kontrata sa Pilipinas noong Enero 28, 2022 para sa pag-suplay ng Shore Based Anti-Ship Missile System.
Idineliber ang missile sakay ng eroplano ng Indian Air Force nitong Biyernes.
Ito ang unang batch sa tatlong inorder ng Pilipinas sa India. Pinangangambahan naman na ang pagdating ng missile ay posibleng magpainit sa sigalot ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ang BrahMos ay isang two-stage missile na may solid propellant booster engine. Sa unang stage ang missile ay lilipad sa supersonic speed o mas mabilis kaysa sa tunog habang ang second stage naman ang maglilipad sa missile na tatlong beses na mas mabilis sa speed of sound habang nasa cruise phase.
Bilang bahagi ng kontrata, 21 personnel ng Philippine Navy ang nagsanay para sa operasyon at maintenance ng missile system sa Nagpur, India mula Enero 23 hanggang Pebrero 11, 2023. Pinagkalooban sila ng interim missile badges ni Indian Navy Chief Admiral R. Hari Kumar.
Sinabi naman ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na ang pagbili ng missiles ay maituturing na “game changer” upang palakasin ang coastal defenses ng Pilipinas.
“It’s maximum extent in terms of range exceeds the West Philippine Sea. This actually means that if makakita tayo ng pumapasok sa teritoryo natin and threat siya, the BrahMos missile can hit that target the moment it enters our exclusive economic zone,” ani Malaya.
Nilinaw ni Malaya na hindi ito paghahanda ng Pilipinas sa anumang giyera.
- Latest