1.7 milyong katao naapektuhan ng El Niño

A boy and a carabao roam in their dried-up farm in Rosario, Batangas on April 9, 2024.
Russell Palma/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Umabot na sa 1.7 mil­yong katao ang apektado ng mainit na panahon dulot ng El Niño pheno­menon sa  Regions 2, 3, Mimaropa, 5, 6, 7, 9, 12 at Cordillera Administrative Region.

Ayon kay DSWD spokesperson at Assistant Secretary for Legislative Affairs Irene Dumlao, patuloy ang pagsubaybay at pagbabantay ng ahensiya sa mga pamil­yang apektado ng tag-init at mapaglaanan ng tulong ang mga ito kung kinakailangan.

Sinabi ni Dumlao na nagkakaloob na rin sila ng family food packs at financial assistance sa mga pamilya na apektado ng El Niño.

Anya, may higit P58 milyong halaga ng family food packs at financial assistance ang naihatid na sa mga apektadong lugar.

Kabilang ang mga magsasaka sa matin­ding naapektuhan dahil sa hindi magandang ani na resulta ng mainit na panahon gayundin ang mga mangingisda na hindi gaanong makapaglayag dahil sa tindi ng init.

Show comments