^

Bansa

3 OFWs patay sa mga pagbaha sa UAE

James Relativo - Philstar.com
3 OFWs patay sa mga pagbaha sa UAE
Cars are stranded on a flooded in Dubai following heavy rains on April 18, 2024. Dubai's giant highways were clogged by flooding and its major airport was in chaos as the Middle East financial centre remained gridlocked on April 18, a day after the heaviest rains on record.
AFP/Giuseppe Cacace

MANILA, Philippines — Umabot na sa tatlong overseas Filipino workers (OFWs) ang nasawi dulot ng mga matinding pagbaha sa United Arab Emirates (UAE) — dalawa sa kanila ay nalagutan ng hininga habang nasa loob ng sasakyan.

Kasama sa mga nasawing manggagawang Pilipino ang dalawang babae at isang lalaki, balita ng Department of Migrant Workers (DMW).

"The two females died due to suffocation inside their vehicle during the flooding," balita ng DMW sa isang pahayag nitong Huwebes.

"The third victim died due to major injuries sustained from an accident when his vehicle fell into a sinkhole at the height of the flooding."

 

 

Ipinaaabot naman ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac at ng buong kagawaran ang kanilang pakikiramay sa naulilang pamilya't kamag-anak ng mga nabanggit.

Wala pa sa kanila ang pinapangalanan sa ngayon ng gobyerno ng Pilipinas.

"The department assures the families of the three OFWs of its fullest support and assistance," patuloy ng DMW kahapon.

"The DMW’s Migrant Workers Offices and the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Offices in Dubai and Abu Dhabi are working closely to provide all assistance to the families of the three OFWs."

Ang pagbahang ito ang sinasabing nanggaling sa pinakamalakas na pag-ulan sa kasaysayan ng disyerto ng UAE.

Nagdulot ang mga pag-ulan ng 1,244 flight cancellations at 41 diversions sa gitna ng mga pagbaha sa naturang Middle East financial center. Apektado rito hindi lang ang mga runway ngunit pati na ang mga highway.

Bukod sa UAE, tinamaan din ng matitinding pagbaha ang bansang Oman. Una nang sinabi ng DMW na wala pang Filipino casualty sa lugar.

vuukle comment

DUBAI

FLOODING

OMAN

RAINS

UNITED ARAB EMIRATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with