‘Pag nagpalit ng presidente
MANILA, Philippines — Posibleng mabago ang foreign policy sa sandaling magpalit ng pangulo ang Amerika.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, na hindi maikakaila na sa ngayon ay ironclad ang suporta ng Amerika sa pamumuno nI US President Joe Biden sa Pilipinas.
Subalit maaari aniyang mabago ito kung mahahalal si dating US President Donald Trump.
“I think it would be artful to say that we do not watch closely the political cycle that is ongoing in the United States because, inevitably if there is a change in government, if President Biden is reelected, then we have a fairly solid ground to base our positions on because we have already spoken with him,” ayon kay Marcos.
Kaya tiyak anya na kapag nagpalit ng gobyerno ay siguradong magbabago rin ang polisya, bagama’t hindi pa naman alam kung sino, naniniwala ang pangulo na ang napagkasunduan nila ng Amerika ay higit pa sa politika.
Inamin din ni Pangulong Marcos na sinusubaybayan ng Pilipinas ang pulitika sa Amerika.
“I will not deny that we look, certainly, we examine who’s going to be in charge. In case former president Trump is reelected, what will be the changes that will affect us— It’s hard to say, it’s all speculation for now,” ayon pa sa Pangulo.