Unemployment bumaba sa 3.5% noong Pebrero

Individuals queue at the quadrangle of Marikina City Hall to look for jobs on Labor Day, May 1, 2023.
STAR / Ernie Penaredondo, file

MANILA, Philippines — Mula sa 4.5 percent noong January ngayong taon, bumaba sa 3.5 percent ang unemployment rate sa bansa nitong Pebrero.

Batay sa ulat ng Philippine Statisitics Authority (PSA), ito ay nangangahulugan na nasa 1.8 milyon na may edad 15-anyos pataas ang jobless sa bansa.

Ito ayon sa PSA ay mas mababa sa naitalang 2.47 milyon noong Pebrero 2023 at 2.45 milyon noong Enero ngayon taon.

Noon din Pebrero, nasa 96.5 percent ang employment rate sa bansa mula sa 95.5 percent noong Enero na may katumbas na 48.95 milyon  na mas mataas sa 48.80 milyon noong Pebrero 2023 at 45.94 milyon noong Enero.

 

Show comments