DENR iniimbestigahan Cotabato vlogger matapos pagkatuwaan 2 tarsier

Litrato ng isang vlogger matapos dakmain ang dalawang tarsier sa isang viral video
Video grab mula sa Facebook page na Farm Boy

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang viral video ng isang Mindanaoan vlogger, bagay na nabatikos ng netizens dahil sa pagtrato sa sensitibong hayop.

Kamakailan lang kasi nang kumalat ang isang video mula sa Facebook page na Farm Boy. Makikita rito kung paano dakmain ang dalawang tarsier habang tumatawa ang vlogger na noo'y "pinangingiti" ang hayop.

"This is to inform the public that the DENR-12 monitoring and enforcement team received a report on Monday, April 8 about a disturbing video of improper treatment of Philippine Tarsiers posted on social media by a certain vlogger named; 'Farm Boy' from Polomolok, South Cotabato," ayon sa DENR Soccsksargen nitong Miyerkules.

"The Department already investigated the matter and found out that the two tarsiers were already released by the vlogger to the wild, yet the agency is still looking for further actions to be taken on the wildlife incident. Thank you."

 

 

Una nang pinuna ng social media users ang ginawa ng lalaki, habang ipinupuntong madaling ma-"stress" ang mga tarsier. 

Ang hayop, na kilala bilang isa sa pinakamaliit na primates sa mundo, ay matagal nang infamous sa pagpapatiwakal sa tuwing naste-stress ng mga turista.

Hindi na mahanap page ang naturang video sa ngayon ngunit na-upload itong muli ng mga nakakitang netizens.

Kinikilala ng International Union for Conservation of Nature ang Philippine tarsier bilang "near threatened."

Sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, may kaukulang parusang kulong at multa ang sinumang magmamaltrato o mananakit ng mga threatened species.

Show comments