MANILA, Philippines — Binigyang-diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang patuloy na misyon na tulungan ang mga komunidad na nasa kagipitan matapos magsagawa ng relief activity ang kanyang Malasakit Team sa mga nasunugan sa Parang, Maguindanao del Norte.
“Kahit anumang problema ang inyong hinaharap—sunog, lindol, baha, pagputok ng bulkan o kahit anong klaseng krisis—handa kaming tumulong at magserbisyo sa inyo sa abot ng aming makakaya. Huwag kayo mawawalan ng pag-asa dahil nandito kami na palaging nagmamalasakit sa inyo,” ayon kay Go.
Idinaos sa Sitio Kanduli sa Barangay Moropoint, tinulungan ng Malasakit Team ni Go ang mga nasunugan at binigyan sila ng tulong pinansyal, grocery packs, lalagyan ng tubig, bitamina, kamiseta, at bola para sa basketball at volleyball.
Kasabay nito, tinasa naman ng mga opisyal mula sa National Housing Authority ang mga biktima ng sunog upang matukoy ang kanilang pagiging kwalipikado para sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) nito.
“Sa pamamagitan nito, hindi lang natin sila tinutulungan na magkaroon ulit ng maayos na masisilungan, kundi binibigyan din natin sila ng bagong pag-asa,” paliwanag ni Go.