MANILA, Philippines — Inanunsiyo kahapon ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng asynchronus classes o distance learning ang mga pampublikong paaralan sa buong bansa, ngayong Lunes, Abril 8.
Sa inilabas na advisory ng DepEd kahapon, nakasaad na :” In order to allow learners to complete pending assignments, projects and other requirements, all public schools nationwide shall implement ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING on Monday, 8 April 2024.”
Nakasaad din sa advisory na ang teaching at non-teaching personnel sa lahat ng pampublikong eskwelahan ay hindi naman kinakailangang pumasok o magtungo sa kanilang tanggapan o paaralan.
Gayunman, nilinaw ng DepEd na hindi naman saklaw ng advisory ang mga pribadong paaralan, ngunit may opsyon naman na ipatupad din ang asynchronous classes.