Dahil sa matinding init
MANILA, Philippines — Apektado ang nasa 3.6 milyong mag-aaral sa pagsuspinde ng face-to-face classes ng nasa higit 5,000 eskwelahan bunsod ng matinding init ng panahon na naitala sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ito’y dahil sa ipinatupad na alternative modes of delivery.
Nanawagan na rin ang Save the Children Philippines sa pamahalaan na agarang tugunan ang matinding climate change na nararanasan ng mga estudyante para sa kalusugan at kaligtasan habang patuloy na nakakapag-aral.
“Educators and local authorities have been forced to take the extreme decision to shut down hundreds of schools because this extreme heat makes it difficult for children to concentrate in the classroom and puts their health at risk,” ayon kay Save the Children Philippines Chief Executive Officer (CEO) Alberto Muyot, dating Undersecretary Ng Department of Education (DepEd).
Nitong nakalipas na linggo ay nakaranas ng higit pa sa 42°C init na nagresulta sa pagsuspinde sa mga onsite classes. M”We need urgent action now to limit warming to a maximum of 1.5°C above pre-industrial levels,” ani Muyot.
Sinabi ng Save the Children Philippines na ang mga katawan ng mga bata ay “developing” pa rin at hindi katulad ng mga nasa hustong gulang na i-regulate ang internal body temperature kaya mas madaling Kapitan ng mga mga sakit na nauugnay sa init tulad ng hika, allergy, cardiovascular disease, at mga problema sa paghinga.
Binigyang-diin ng grupo na ang pagbabago ng klima ay nagpapataas ng pandaigdigang temperatura at nagdudulot ng mga hindi pa naganap na heatwave sa buong mundo, kung saan mas maraming bansa ang nakakaranas ng mas mainit na araw nang mas madalas.