Komprehensibong protocol vs heat index, iminungkahi

MANILA, Philippines — Upang matugunan ang matinding epekto ng climate change o pagbabago ng panahon sa nararanasang matinding heat index, iminungkahi ni Valenzuela City 2nd District Rep. Eric Martinez sa gobyerno ang pagkakaroon ng komprehensibong protocol laban sa panahon ng tag-init.

Binigyang diin ni Martinez, dahil sa malaking pagbabago sa weather system dala ng climate change kung saan apektado rin ang kilos o galaw ng mga mamamayan, marapat lamang na makasunod at matugunan ang maituturing na ‘new normal’ para na rin sa pangangalaga sa mga komunidad at matiyak ang epektibong pamamahala.

“This is the new normal with global warming, and PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) also has to adapt to this new normal,” giit pa ni Martinez.

“Kung may protocol sa tag-ulan, dapat may protocal na rin sa tag-init,” dugtong ng Valenzuela City solon.

Ayon kay Martinez, kailangang maging maagap ang pagtugon sa mabigat na epekto sa pagbabago ng panahon at mapalakasin ang kahandaan ng pamahalaan lalo’t ang Pilipinas ay madalas na tinatamaan ng natural disasters.

Pangunahing iminumungkahi ng Kongresista ang pag-angat sa PAGASA bilang primary authority sa weather-related decision-making processes.

Ayon sa solon, ang PAGASA ay mayroong malawak na kaalaman at nagtataglay ng maraming reliable data kumpara sa local government units (LGUs) kaya marapat lamang na ito ang magpatupad ng policy sa pagsususpinde ng pasok sa eskuwela bunsod ng umiiral na lagay ng panahon, kabilang ang matinding init o heat index.

Show comments