^

Bansa

‘Fake narrative’ ng China vs Pinas, imbestigahan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat ituloy ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang imbestigasyon ng Senado sa diumano’y disinformation campaign patungkol sa West Philippine Sea na pinopondohan ng isang dayuhang bansa.

Ito ang hiling ng grupong Kilos Pinoy Para Sa Pagbabago, sa pagsasabing panahon na para imbestigahan ang disinformation campaign dahil lumalala ang mga balitang ipinapakalat ng Tsina laban sa Pilipinas.

“Dehado at talo tayo sa kwento ng Tsina laban sa atin. Mukhang may mga pinopondohang bloggers ang Tsina sa Pilipinas para wasakin tayo”, anang grupo.

Una nang sinabi ni Estrada, chairman ng Senate­ Committee on National Defense and Security na pawang kasinungalingan ang iniulat na disinformation campaign ng mga opisyal ng gobyerno, media outlets at maritime experts, maging ang mga pagtatangka diumano na ilihis ang atensyon ng publiko sa marahas na aksyon ng China at ituon sa umano’y militarization ng Vietnam sa WPS.

“Habang ang defense department ay patuloy na nagmo-monitor at sinasalu­ngat ang mga maling salaysay tungkol sa West Philippine Sea, ang kampanya laban sa fake news ay na­ngangailangan ng matibay na diskarte ng gobyerno at pakikilahok at edukasyon ng mamamayan para masiguro ang epektibong hakbang na gagawin natin,” ani Estrada

JINGGOY EJERCITO ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with