^

Bansa

Babala ng PAGASA ngayong araw…‘Dangerous’ heat index sa 10 lugar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang PAGASA na mararanasan ang heat index sa 10 lugar sa bansa ngayong araw, Marso 31.

Sa forecast ng PAG­ASA na ipinoste dakong alas-5 ng hapon nitong Marso 30, ang heat index na posibleng umabot sa ‘dangerous level’ ay nasa 42°C  hanggang 51°Celsius.

Sinabi ng PAGASA na ang heat index ay sobrang init ng panahon sa aktuwal na temperatura na sobrang maalinsa­ngan kung saan ang 42°C hanggang 51°C ay nasa ‘danger level’.

Ang mga tao ay posibleng dumanas ng heat cramps, heat exhaustion at lubhang delikado rin ang heat stroke sa matinding exposure sa init ng araw.

Tinukoy ng PAGASA ang mga lugar na kabilang sa nasa heat index ay ang National Capital Region,  Batac, Ilocos Norte; Apar­ri, Cagayan; Aborlan, Palawan; Iloilo City, Duma­ngas, Iloilo; Butuan City na pawang nasa 42°C; Dagupan City, Pangasinan at Catarman, Samar na kapwa naman nasa 43°C.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na ilimita ang mga outdoor na aktibidades kung hindi naman kailangan, uminom ng maraming tubig, magdala ng payong, sombrero, magsuot ng maaliwalas na damit at hangga’t maari ay kung medyo malamig na lamang ang panahon lumabas.

Pinapayuhan din ang netizens na iwasan muna ang pag-inom ng tea, kape, soda at alak dahilan makakadagdag ito sa init ng katawan.

vuukle comment

PAGASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with