^

Bansa

Bong Go, naantig sa kuwento ng pamilya na natulungan ng Malasakit Center

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naantig si Senador Christopher “Bong” Go, kilala bilang Mr. Malasakit, sa kanyang pagbisita kamakailan sa Himamaylan City, Negros Occidental, kung saan nasaksihan niya mismo ang malalim na epekto ng programang Malasakit Centers.

Habang nasa gitna ng talumpati ang senador sa relief activity sa mga displaced worker sa Himamaylan City Hall, isang lola na si Arlene Velasco ang pumunta sa mikropono at sabik na ipahayag ang kanyang matinding pasasalamat kay Go sa tulong na natanggap ng kanyang apo, si Hyubz Chasten Tanallo, sa pamamagitan ng programang Malasakit Centers.

“Maraming salamat Senator Bong Go at Mayor Mhai, binigyan niyo ako ng (medical assistance) one million sa operasyon ng apo ko sa Manila..April 12 pa ang schedule sa Manila,” ani Velasco.

Si Hyubz, na nakiki­paglaban sa rheumatic heart disease, ay sumailalim sa kritikal na diagnostic procedure, kabilang ang CT-scan sa Bacolod Adventist Medical Center.  Doon natukoy ng mga doktor ang agarang panga­ngailangan para sa ope­rasyon sa puso upang matugunan kaagad ang kanyang kalagayan.

Humingi ng tulong si Arlene kay La Castellana Mayor Alme Rhummyla “Mhai-Mhai” Nicor-Mangilimutan na ini-refer sila sa pinakamalapit na Malasakit Center at kalaunan ay natulungan ang pamilya na maitakda ang kinakailangang operasyon ni Hyubs sa Philippine Heart Center.

“Hulog po sila ng langit sakin sina Mayor Myla at Senator Bong Go.  Kay Senator Bong Go, nagpasalamat ako nang personal dahil natulungan ang apo ko na maope­rahan siya sa April 12 sa Philippine Heart Center,” sabi ni Velasco.

“Senator Bong Go, sana marami ka pang matulungan dito sa Negros at sa buong Pilipinas. Sana mabigyan ka pa ni Lord ng mahabang buhay para mas marami ka pang matulungan.  God bless you, hindi ka po namin malilimutan,” ang dagdag pa ng lola ni Hyubs.

MALASAKIT CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with