1.3-M bata sa Bangsamoro target bakunahan vs tigas sa gitna ng 'outbreak'
MANILA, Philippines — Magkakasa ng matindihang immunization drive sa Mindanao matapos ang biglaang paglobo ng kaso ng tigdas sa Pilipinas — 77% dito ay nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Una nang idineklara ng BARMM ang isang measles outbreak sa rehiyon. 1,481 sa 2,661 kaso ng measles-rubella sa buong Pilipinas ang nasa Bangsamoro. Ang ilang sa mga nabanggit ay namatay na.
"There is a critical need to reach and vaccinate the children missed during routine vaccinations. We have to make sure that no child is left behind in the BARMM," wika ni BARMM Deputy Minister for Health, Zul Qarneyn Abas, ngayong Biyernes.
"We have the support of many stakeholders, now it is up to us to lead in this fight against this deadly disease."
Isasagawa ang pagbabakuna mula ika-1 hanggang ika-12 ng Abril sa ilang matataong lugar gaya ng Maguindanao del Norte, Lanao del Sur at Marawi City upang maprotektahan ang mga bata laban sa nakamamatay at nakahahawang sakit.
Babakunahan ng BARMM Ministry of Health ang mga nabanggit sa nasabing tatlong priority areas bago magtungo sa iba pang lugar sa suporta ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO at UNICEF. 1.3 milyon ang target mabakunahan sa BARMM ngayong Abril.
Ani Health Secretary Teodoro Herbosa, tutulong ang UNICEF sa pagbilis ng nasa 1 milyong doses ng measles vaccines para sa BARMM at ituturok sa mga batang 6 na buwan hanggang 10-anyos. Susunod dito ang 1 milyong doses pa para sa nalalabing bahagi ng Pilipinas.
Makakukuha rin ng isang dose ng vitamin A ang mga batang 6 na buwan hanggang 59-buwan habang dalawang doses naman ang ibibigay sa mga kumpirmadong tinamaan ng measles. Ang vitamin A ay murang paraan upang maiwasan ang mga komplikasyon at kayang makapagpataas ng resistensya sa sakit.
"President Marcos is keen on ending this measles outbreak. Kung sa Bagong Pilipinas, bawat buhay mahalaga, sa Bangsamoro rin - bawat bata mahalaga," sabi ni Herbosa.
Pinakanakakahawang sakit sa mga tao
Umabot na sa 592 kaso ng tigdas ang naitatala sa BARMM sa pagitan ng ika-1 ng Enero hanggang ika-20 ng Marso. Pinaniniwalaang mas mataas pa ito sa mga komunidad.
Oktubre lang nang i-activate ng Lanao del Sur ang kanilang emergency operations centers para sa measles outbreak sa lahat ng health units. Sinundan din ito ng pagdedeklara ng measles outbreak sa Marawi City noong parehong buwan.
"Measles is probably the most contagious disease known to affect humans. It can affect anyone, though it is most common in children. Data from the current outbreak has as many as 30 per cent of the cases above 5 years of age," ani WHO representative to the Philippines Dr. Rui Paulo de Jesus.
"Community-wide vaccination remains the most effective way to prevent measles. Urgent, targeted and accelerated efforts are critical to reach all children with the necessary measles vaccine."
Patuloy naman aniya makikipagtulungan ang WHO sa global, regional at national levels para masuportahan ang DOH na mabakunahan ang lahat ng bulnerableng populasyon.
Una nang naiulat na 60% lang ng mga eligible children sa Bangsamoro ang nakakuha ng first dose ng measles vaccine noong 2023. Nasa 51% lang sa kanila ang nabigyan ng ikalawa.
Kinakailangang umabot sa 95% ng mga sanggol (9 hanggang 12 buwan) na may dalawang doses ng measles vaccine para maging ligtas ang Pilipinas sa banta ng tigdas. Kung wala nito, maaaring makakuha ang mga nabanggit ng measles sa tuwing may community transmission o periodic outbreaks.
"No child should ever die from vaccine-preventable diseases. Since last year, UNICEF has been actively supporting the accelerated prevention and outbreak response activities," ani UNICEF Representative to the Philippines Oyunsaikhan Dendevnorov.
"We provided much-needed cold-chain equipment, training the health force, mobilizing religious, community and youth leaders so they can educate families on how best to protect children. We are ready to step up and do whatever it takes to ensure every child is vaccinated and protected."
- Latest