Pangulong Marcos nagpaalala sa mga Katoliko ngayong Holy Week: Maging mabait, ‘wag makasarili
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga debotong Katoliko na magsilbing liwanag sa ibang tao ngayong Semana Santa sa pamamagitan ng kabaitan at pagiging hindi makasarili lalo na sa mga kapus-palad.
Sinabi ni Marcos na ang Semana Santa ay paggunita sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo.
Ito rin aniya ay panahon upang pagnilayan ang mga nangyayari sa buhay ng mga tao.
Nawa aniya’y maalala ang lahat hindi sa kung ano ang nakuha nito kundi sa kung ano ang kanyang naibigay at hindi sa taas nang narating kundi sa liwanag na ating sinindihan sa puso ng ating mga kapwa.”
“May we be remembered not for what we have taken but for what we have given, not for the heights we have reached but for the light we have kindled in the hearts of our fellows,” ani Marcos.
Sinabi rin ni Marcos na ipinagdarasal niya ang mga tao na mapagpakumbabang tanggapin ang kanilang tunay na sarili bilang mga hindi perpektong nilalang, “sapagkat sa pagiging tunay na tao natin mararanasan ang kabanalan,” ani Marcos.
Umaasa rin ang Pangulo na magkakaroon ang lahat ng makabuluhan at “reflective” na Semana Santa,”
- Latest