^

Bansa

Teves agad iuuwi sa Pinas – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Teves agad iuuwi sa Pinas â Pangulong Marcos
President Ferdinand Marcos Jr. administers the oath-taking of the newly promoted Philippine National Police (PNP) star rank officers in Malacañang on March 18, 2024.
KJ Rosales/The Philippine STAR 5 files

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gagawin ang lahat ng hakbang para maibalik dito sa bansa si dating Negros Oriental Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. para harapin ang mga isinampang kaso laban sa kanya.

Kasabay nito, tiniyak din ni Pangulong Marcos sa publiko na walang sasa­yangin na pagsisikap ang gobyerno na mananaig ang hustisya sa naturang kaso.

Pinuri naman ng ­Pangulo ang sama-samang pagsisikap ng mga otoridad at international partners para sa matagumpay na pagkakaaresto kay Teves sa Timor-Leste.

“I extend my heartfelt gratitude to all those involved in this operation for their unwavering dedication to upholding peace and order,” pahayag pa ng Pangulo.

Matatandaan na ­Agosto 2023 nang patalsikin bilang miyembro ng House of Representative si Teves.

Pebrero 2024 naman nang magpalabas ng kautusan ang Manila Regional Trial Court (MTC) Branch 51 sa Department of ­Foreign Affairs  (DFA) para kanselahin ang pasaporte ni Teves.

Si Teves ay ilang buwan na nagtago sa Timor-Leste.

DFA

PANGULONG FERDINAND MARCOS JR.

TEVES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with