MANILA, Philippines — Hawak na ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. ang pangalan ng tatlong heneral na posibleng kay PNP Chief, PGen. Benjamin Acorda Jr. sa pagtatapos ng term extension nito ngayong Marso.
Ayon kay Abalos, mahalaga na “output based” o laging nakabase sa resulta ang susunod na magiging PNP chief.
Kaya naman sinabi ng kalihim na magiging hamon sa susunod na PNP chief ang pagtugon sa mga usapin ng cybercrime, illegal drugs, at ang paglaban sa krimen. Ang kailangan aniya ng publiko ay makita ang tunay na peace and order at ang tunay na pagseserbisyo ng mga pulis.
Nilinaw ni Abalos na mag-uusap sila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang ilatag ang kaniyang shortlist.
Gayunman, sinabi ng kalihim na kay Pangulong Marcos pa rin ang huling pagpapasya sa kung ano ang nais nito sa liderato ng PNP.
Bagaman hanggang March 31 epektibo ang ibinigay na extension ng Pangulo sa termino ni Acorda, mapapaaga sa March 27 ang turnover ceremony sakaling magpasya ang Punong Ehekutibo na palitan na ito.