Sen. Bato nagprisintang maging security ni Quiboloy
MANILA, Philippines — Nagprisinta si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na maging security ni Pastor Apollo Quiboloy sakaling magdesisyon ito na humarap sa imbestigasyon ng Senado.
Tiniyak ni Dela Rosa, dating chief ng Philippine National Police bago maging senador na haharangin niya lahat nang magbabanta sa buhay ni Quiboloy.
“Kung gusto nya, ako ang mag-security sa kanya. Kahit na one-man security ako, haharangin ko lahat ng may threat sa buhay nya. Hindi ko papalusutin kung sino mang may threat sa kanyang buhay,” ani Quiboloy.
Ayon pa kay Dela Rosa, walang puwedeng bumaril at pumatay kay Quiboloy sa loob ng Senado.
Sinabi rin ni Dela Rosa na magiging insulto sa Senado kung hindi mapapangalagaan ang seguridad ni Quiboloy.
Nauna rito, nagpalabas ng warrant on arrest ang Senado laban kay Quiboloy matapos ma-contempt dahil sa ilang beses na hindi sinipot ang pagdinig ng Senate Committee on Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros.
Mismong si Senate President Juan Miguel Zubiri ay tiniyak na magiging ligtas si Quiboloy habang nasa loob ng Senado.
Tiniyak din ni Zubiri na igagalang nila ang karapatan ni Quiboloy bilang isang resource person.
- Latest