MANILA, Philippines — Kinumpirma ang Philippine Space Agency (PhilSA) ang pagpapalipad ng Beijing ng Long March 8 rocket, at ang debris nito ay maaaring nahulog na sa ilang bahagi ng Pilipinas.
Miyerkules nang umaga nang ibalita ang rocket launch na nangyari sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan, China bandang 8:31 a.m. (oras sa Maynila).
Related Stories
"Expected debris from the rocket launch was projected to have fallen within the identified drop zones approximately 78 NM from Vigan, Ilocos Sur (DZ A1), 194 NM (DZ A2) and 332 NM (DZ A3) away from Panay Island [Catanduanes]," wika ang PhilSA kanina.
"While not projected to fall on land features or inhabited areas, falling debris poses danger and potential risk to ships, aircraft, fishing boats, and other vessels that will pass through the drop zone."
Naibahagi sa gobyerno ang mga detalye ng rocket drop zone sa pamamagitan ng isang Notice to Airmen (NOTAM) warning of an "aerospace flight activity."
Nagpakalat naman na raw ang PhilSA ng pre-launch report sa mga ahensya ng gobyerno at otoridad bago pa mangyari ang pagpapalipad ng rocket.
Ang mga debris o tipak ng rocket, gaya ng booster at faring, ay dinesenyo para ma-discard sa pagpasok ng rocket sa kalawakan.
"There is also a possibility for the debris to float around the area and wash toward nearby coasts," paalaala pa ng PhilSA.
"Additionally, the possibility of an uncontrolled re-entry to the atmosphere of the rocket’s upper stages returning from outer space cannot be ruled out at this time."
Idiniin naman ng gobyerno ang nauna na nitong mungkahi sa publikong ipaalam sa mga otoridad kung makatuklas ng mga naturang tipak ng rocket.
Binalaan naman ng gobyerno ang mga gustong kumuha o lumapit dito lalo na't posibleng merong pa raw itong natitirang nakalalason na kemikal gaya ng rocket fuel.
Ilang beses nang may bumabagsak na rocket debris ng Tsina sa Pilipinas sa gitna ng agawan sa West Philippine Sea. Ang ilan pa rito ay sinasabing "pwersahang" inagaw ng Tsina, bagay na itinanggi ng bansa.